Monday, May 07, 2007

Unang Ulan sa Buwan ng Mayo

Sa wakas sa ika-pito ng buwan ng Mayo
ngayong araw ng Lunes
bagong linggo
dumating ang ulan
17 degrees
ang temperatura
sabi sa radyo
walang patid
ang patak
ang mga halaman ko'y
mandin humahalakhak
umuugoy sa hangin
nililinis ang mga
alikabok
sa kanilang dahon
halos natuyo
sa init ng nakaraang Abril
walang patid
ang patak
naalala ko bigla
ang bayaw kong
may birthday kahapon
ang sabi sana naman'y
huwag umulan sa linggong ito
mayroon silang
tennis competition.

4 comments:

Forever59er said...

Bituing marikit kang tunay. Naway Kami nama'y titingala at kakaway. Naway magnining ka pa
ngunit ang pinaka maningning moy hirap makita. Ngunit alam ko ... alam ko.

Pinay von Alemanya said...

sa tutuo lang
eto ang kaunaunahan kong blog
itinago, hindi ipinaalam
kasi nga gusto ko lang tumula
kung walang magawa
biglang nagmerged ang google
at blogger
lumitaw ang bituin
napilitan ariin
sige na nga ituloy ko na lang
saka na ninyo ako
kilalanin.

Forever59er said...

Ang ibig kong sabhin
Ang ningning mo sa loob
Ay hirap maitago
Pasulpot sulpot
Sa gilid ng nga linya
Nagbubunyag ng lihim mong saya.
Dahil ang dusa
baligtarin mo'y may tawa.

Hay naku. Yan ang tinatawag na forcing through. You inspire me.

Pinay von Alemanya said...

hi annamanila,
one of the best greetings I received early today, Mother's Day. Thanks.
Women should be the source of inspiration for each other, sabi nga ni Sr. Mary John.
Sige ituloy natin ang
maliliit na ligaya
sa paraan ng pagtula
kahit hindi tayo makata
Check pls. the poem i posted for Mother's Day in Pinayskaleidoscope