Wednesday, January 31, 2007

Para sa Aking Mahal na Kaibigang C.

Natangap ko sa isang instant message
ikaw daw ay may taning
dalawang buwan na lamang
ang itatagal sa mundo
ito na tinuring
mong misyon
ng iyong paniniwala.

Bakit ikaw na nagtiis
para lang lumigaya ang
mga anak na liyag
pinag-aral, kinaruga
at ang ganti sa yo ay luha.

Bakit ka ngayon aalis
Alam mo ba saan ka patungo
Bakit mo tatangapin ang
buhay na pagmamatir
sa paniniwalang may kapalit
na langit
sa lahat ng iyong pangungulila
at pagdurusa
naging tunay ka bang maligaya
sa pagbibigay ng iyong pagibig
bilang ina
at dakilang asawa?

Hindi ko yata maiisip
na ikaw ay tuluyang aalis
marami ka pang dapat
marating
maranasan
at hindi lang
ang iyong mga habilin
sana naman ang paniniwala mo
sa mga milagro
sa yo ay magkatutuo
lumakas ka muli
at mabuhay ng tutuo
ng maligaya
dito sa mundo.

Monday, January 29, 2007

Pagmumumuni

Nakahanda na lahat ang aking mga libro
papeles at mga cuttings at iba pang visual aids
may nakahandang trabaho
isang buwan ang notice
naligayahan naman ako
kasi mahirap ang trabaho ng isang freelancing
may tawag ngayon
bukas cancellation
gulo ang schedule
habulin ang mga ibang invitation
tawagin ang mga naunang reservation
at kung wala nang magagawa pa
magtigil sa bahay
mangarap ng gising
pero kailangang magsaing!

bituing marikit