Saturday, March 31, 2007

Isang Araw, Isang Sabado

Isang Araw, Isang Sabado

Wala lang magawa
ang kapiling na laptop
ang aking pinipindot
gawaing bahay
hindi ko yata mataypan
nakatingin sa balkonahe
pinagmamasdan mabuti
ang naglalabasang tulips
pula, orange at ube
may isang bubuyog
kahapon palipad lipad
at dumapo sa mga bulaklak
sinimsim ang kaniyang tamis
bubuyog sa buwan ng Marso
talagang umiinit ng husto
ang mundo
sabi ng kabiyak ng puso
habang hanap ko ang digital
kamera upang kuhanan
ang bubuyog na bumibisita
at humaharana sa mga
naggagandahan tulips
ligayang tingnan tuwing
umaga.