Lunes ng hapon
dala ko pa ang nabileng grocery
habang naghihintay ng senyas na berde
sa may crossing
naisip ko bigla ang aking kapitbahay
halos mahigit ng isang buwan
hindi kami nagkakabalitaan
ano kaya ang aking sasabihin
kung bigla niya akong babatiin
bakit hindi man lang ako makalipat
sa kanila
para miski humiram ng itlog
arina kaya o asin.
Iniisip ko pa si Frau Scholze
habang tumatawid ako ng kalsada
papunta sa aming tirahan
nang bigla ko siya matanawan
nakasakay sa kotse niya
sa akin kumakaway.
Mental telepathy to
natawa ako
o matagal na niya akong
pinagmamasdan
habang siya din ay naghihintay
ng senyas ng trapiko
yun human Wilan namin
umaandar.
Nag-abot kami sa harapan ng bahay
nagkamustahan
dala dala niya isang portabol
na sewing machine o makina
ako naman toilet paper at delata
dalawang maybahay
Isang Pinay, isang Aleman
unang araw ng linggo
nagkwentuhan
sa may hagdanan.
Aba siyanga pala sabi niya
nandiyan na yung order kong mga wine
dalawang bote sa yo nakalaan
kukuhanin ko sa cellar
mamaya
pagpasok natin sa bahay.
Sa madali't sabi nabigay sa
akin ang dalawang bote
huwag na lang daw
akong mag-alala
ang alak naman ay libre
sa susunod na lang
ang bayad
sa susunod na delivery.
Ay sa tutuo lang
mabait na kapitbahay sila
mahirap makita
sa buhay siyudad
sa Alemanya.
At bago ako nakapasok
sa aming sarileng bahay
dumating si Ginoong Scholze
kami din'y nagbatiian
nagkamayan
ang tanong sa akin
tutuo ba sa inyong bayan
kada ikatlong botante
ang boto ay mabibile
tutuo ba
o exaherasyon lang ng medya?
Ay sabi ko lang,
Ay hindi naman
depende siyempre kung saan
may mga lugal na
ang ibig sabihin ng boto
nila ay kwarta at pagkain
mukhang naman naniwala si
Ginong kapitbahay
bago kami naghiwalay.
Nang salubungin ako
ng asawang giliw
naikwento ko ang aming
enkwentro
ng aming mabait na kapitbahay
yun babae may alak sa atin
yun lalake may tanong sa
elektioneering
kung tutuo daw na
bawat ikatlong botante
ang boto ay mabibile
Sagot ni giliw
Oy hindi,
sabihin mo
mali
kasi kada ikadalawa
nagbebenta.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Ako ay sumasang-ayon
Sa tinuring ng iyong mahal
Ngunit sa dami ng eleksyon
Aking nasalihan
Bakit wala pa nagbigay sakin,
Ni piso man lang?
Woohoo! I'm getting the hang of this and I love it! Btw, I forgot to say I got your link from Annamanila who can also string words beautifully like you do.
Salamat Julie sa yong sagot
Sasabihin ko kay German irog
Hindi lahat ng Pilipino
Handang ipagbili ang
kanilang ballot
Para sa kaunting pera
pambili ng binalot!
Eto ang isang Pinay
sinasabi ang karanasan
punta ka kaya at humingi
ng tulong
kay Senador Honasan! (ay pilit!)
Ako din
walang nagalok
piso o isang libo
bilhin ang boto ko ..
dahil yata
suplada ang asta
at akmang aalma
"ha, subukan lang nila."
pilit din?
Post a Comment