Mayo nga pala
kaya sunud-sunod ang mga lakaran
may imbitasyon sa ihawan
birthday celebration ng
mabait na kapitbahay
kaarawan ng anak
bisita'y mga ninong at ninang
anong ibibigay sa mayaman
na bayaw na ipinanganak din
sa buwan ng Mayo
buwan ng mga bulaklak
kung ang April ay maulan
bigyan kaya ng donation slip
para siya ang magbigay
ng tulong sa aming proyekto
empowerment at iba pang mga plano
ng mga kababaihan
dahil sa aming nalalapit
na meeting at training
pamasahe man lang wala pa rin
paano na lang ang aming
mga pangarap na maging
matatag sa sariling sikap
malayang pag-iisip
walang magdidikta
kung magkano ang aming dapat
gastusin sa bahay
sa anak, sa sarili namin
walang magsasabi kung
ano ang aming dapat gawin
gawang ang kita at hirap
ay galing sa sarileng sikap
at hindi lang abót ng asawang
sa tingin niya hari siyang
nagbibigay ng utos
kung kailan ngingiti at
luluha ang maybahay niyang
nakita sa catalogue
nakita ba ng lalake ang
kaniyang kaluluwa
kung numero lang ang nakilala
nabayaran ng salapi
ang pag-ibig na simula ay salat
yumabong kaya ang pagmamahalan
sa pangakong may magandang hinaharap
hindi lang ang batang kabiyak kundi
ang pamilyang naiwan sa
bayang naghihirap
paano ang tunay na pag-ibig
paano ang tunay na pananabik
malulunasan ba ng mapalasyong
bahay at regalong bigay
marahil
siguro nga
may katumbas talaga
kahit anong bagay?
eto ba sa buwan ng Mayo
ang marami sa
ating mga kababaihan
eto ba ang
dinadalang pansarileng
banal na santacruzan?
Ay modernang Reyna Elena
hanapin mo ang cruz
kung may kapalit na ligaya
pero ang bigat ay
huwag sarilinin
Kung may katumbas
ang pait
ang tamis
ay dapat mas
mahigit.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Meron pala kayang women empowerment movement dyan. Kasama ba ang mga Fraus? O mga pinay lang na nakapagasawa ng aleman. Pero neither Hitler nor Mussollini was German, right?
As usual, enjoy ako sa tula mong mahirap arukin ang lalim.
Hey, wanna contribute pinoy diaspora piece in my site? If you visit it, you will find a first guest blog from a pinoy in australia. Will be very very privileged if you guestblog too. Please .. pretty please.
Hallo Annamanila,
Thanks again. Honestly, I am looking forward to getting emails from you.
Nakakaalis ng inis
at sawa sa kablologs
knowing na maraming interesting
women out there
to know. Yun mga tula, wala naman
lalim sila di ba, wala lang magawa.
Yes, will be honoured to contribute as guestbloggerin (Frau kasi). You will hear from me after these busy weeks ahead.
Bituingmarikit
Talaga. Naku, excited na ako. But it seems you're really busy .. you haven't updated for a while. Anyway, i am willing to wait for your diaspora or nostalgia piece no matter how long it takes. Pwede ring patula :)
Dear Anna,
Yes, was out of the nest for awhile...looking for bread to eat, breadwinner kasi once in awhile.
Nagmeet din ang mga babaylanes kaya wala ang nagpipilit na maging makata
sa kaniyang pugad
lumipad
pero bumalik na
kaya lang talagang trabaho sagad!
Hear from me soonest!
Post a Comment