Wednesday, April 11, 2007
Salamat mga Kaibigan
Saka ko pala nasabi sa isang kaibigan
nang tanungin niya ako
kumusta ka na
sabi ko masamang balita mula
sa bahay.
Lakasan mo iyong loob
at isasama ko siya sa aking dasal.
Sana malapit ka lang
gusto kong hawakan ang iyong mga kamay
sulat ng isa pang kaibigan.
Nalulungkot kami sa pangyayari
Sa ganitong situasyon
ang pakiramdam ng isa
ay kawalan ng lakas
hindi mo alam kung anong dapat gawin
Courage my dear friend
I can only offer you my prayers
pahatid ng ilang pang
mga kaibigan
ang layo namin sa isa't isa
ay ibang wika,
dagat at kabundukan.
Di ko man nais
sa inyo ipahatid
ang aking kalungkutan
sa pagtingin ko ito ay
personal at akin
at mayroon din kayong mga
dinadalang alalahanin
sa ating buhay migrasyon
paano tayo mabubuhay
paano ang ating mga
pangarap
sa ating mga kamag-anak at kadugo
dito
at
duon.
Maraming Salamat
hindi ko man maisulat
ang inyong mga pangalan
batid ninyo
bahagi kayo
sa isip
sa puso ko
sa kalungkutan
at kaligayahan.
Monday, April 09, 2007
Sa Piyesta ng Pagkabuhay
Sa piyesta ng Pagkabuhay
dumating ang tawag sa telepono
ang boses ng hipag ko ang
aking nadidinig
ang akala ko gusto lang akong batiin
sa piyesta ng Pagkabuhay ng
Panginoong si Kristo.
Happy Easter bati ko
ni hindi na niya nasagot
ang sabing bigla
si Vic
naaksidente sa motorsiklo
nangangailangan ng biglang operasyon
pero walang tumanggap na ospital
hindi ko alam
kung pera ang dahilan
o walang titingin na doktor.
Dios ko
naisip kong bigla
ano ba itong balita
nasaan ang kapatid ko
baka duguan
walang malay
walang gamot
walang doktor
walang kumakalinga.
Sa buong magdamag
halong galit at alaala
sa kalagayan niya
bakit kailangang
mangyari
bakit kailangang
sisihin ko pa siya?
Maghapon
Hanggang sa gabi
ang luha ko
Sa Piyesta ng Pagkabuhay
dumadaloy.
dumating ang tawag sa telepono
ang boses ng hipag ko ang
aking nadidinig
ang akala ko gusto lang akong batiin
sa piyesta ng Pagkabuhay ng
Panginoong si Kristo.
Happy Easter bati ko
ni hindi na niya nasagot
ang sabing bigla
si Vic
naaksidente sa motorsiklo
nangangailangan ng biglang operasyon
pero walang tumanggap na ospital
hindi ko alam
kung pera ang dahilan
o walang titingin na doktor.
Dios ko
naisip kong bigla
ano ba itong balita
nasaan ang kapatid ko
baka duguan
walang malay
walang gamot
walang doktor
walang kumakalinga.
Sa buong magdamag
halong galit at alaala
sa kalagayan niya
bakit kailangang
mangyari
bakit kailangang
sisihin ko pa siya?
Maghapon
Hanggang sa gabi
ang luha ko
Sa Piyesta ng Pagkabuhay
dumadaloy.
Wednesday, April 04, 2007
Sa Kahahanap ng mga illustration...
Hindi 'to biro
Maghapon akong nakayuko
kahapon hanggang hatinggabi
sa kahahanap ng
mga illustration para kay Bituing Marikit
nageestrella na ang aking paningin
ngunit dalangin wala pa rin
I mean
sagot sa dalangin
naroon litratuhan ang mga
bulaklak na hugis bituin
tinignan ang mga Christmas cards
sa kanikanilang inaalikabok na boxs
biglang ipinaalala sa akin
ako pala ay isang star din
sa hindi paglilinis
at kalat sa bahay
wala siguro kaparis
pero sa lahat ng bagay mataray
saan napunta
ang aking pagsasalaysay
gusto ko lahat sabihin
naghahanap ako ng illustrasyon
nakita tong parol
ng isang alejandro
isang Pinoy
magaling sa design
kaya kahit walang permission
ginamit sa aking
mga ilusyon
na ako ay isang
bituin marikit
kaya lang sa drawing
hindi nagniningning.
Source: www.raadesign.com
Maraming Salamat Alejandro!
Maghapon akong nakayuko
kahapon hanggang hatinggabi
sa kahahanap ng
mga illustration para kay Bituing Marikit
nageestrella na ang aking paningin
ngunit dalangin wala pa rin
I mean
sagot sa dalangin
naroon litratuhan ang mga
bulaklak na hugis bituin
tinignan ang mga Christmas cards
sa kanikanilang inaalikabok na boxs
biglang ipinaalala sa akin
ako pala ay isang star din
sa hindi paglilinis
at kalat sa bahay
wala siguro kaparis
pero sa lahat ng bagay mataray
saan napunta
ang aking pagsasalaysay
gusto ko lahat sabihin
naghahanap ako ng illustrasyon
nakita tong parol
ng isang alejandro
isang Pinoy
magaling sa design
kaya kahit walang permission
ginamit sa aking
mga ilusyon
na ako ay isang
bituin marikit
kaya lang sa drawing
hindi nagniningning.
Source: www.raadesign.com
Maraming Salamat Alejandro!
Subscribe to:
Posts (Atom)