Sunday, January 27, 2008
Matamis na Buhay o Sweet Discovery
Sinimulan nitong Linggo ang Exhibitiong pang-international
Nalibang ako sa pagbabasa ng mga impormasyon at balita
Tanging pinagkakaabalahan nitong mga huling araw at gabi
Bibili ba ako ng ticket para duon'y mamasyal at makakuha
Hahanap ng mga bagay bagay na matatamis, baka may libre
Reretratohan ko ang mga ito at sa aking blog balak ipost
Posturang-posturan ako, nakagayak na
Nang makita ang impormasyon para sa mga Fachleute lang pala.
Fachleute ang ibig sabihin mga experts ng mga matamisin
Sino ba ako, di ba expert din sa lahat ng mga ngatngatin
Tingnan lang nila ang aking galing walang sinusukuan
Kung anong matatamis na bagay lalo na at bigay
Gayuma ang pangalan para sa akin ng tsokolate
Teka muna may paraan ba para makalusot akong bilang Fachleute
Teleponohan ko kaya ang mga Pinoy at Pinay na may Otap factory?
Pero bakit walang representasyon ang bayang kong ginigiliw
Liwanag ng aking buhay ay tanging matamisin
Sino sino kaya ang galing sa aking bansa
Sasama dito sa Exhibition at Fair ISM kung tawagin, pang-international
Almusal hanggang hapunan tungkol sa biscuits at chocolates ang usapan
Panong selling technique at bagong matamis na imbensyon ang aakit
Kikita ng pansin ng mga tao at media at higit sa lahat ng kwarta.
Tja, naisip ko lang kung sa gayak lang nakasama
Matamising binabalak bago maunsiyami at umasim
Simula ngayon hahalughugin ang cupboard ng mga natitirang balutin
Tingnan at tiyak na may tiratira pang pasalubong polboron, chocnuts, pili
Lihiyang suman, espasol, tikoy, guinatang ube sa freezer pala nakatabi
Bibile ba ako ng ticket bilang Fachleute para sa ISM Fair ng mga tsokolate
Teka muna ang yaman ko pala sa matamisin
luma ang Fair Trade sa akin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment