Sunday, January 27, 2008
Matamis na Buhay o Sweet Discovery
Sinimulan nitong Linggo ang Exhibitiong pang-international
Nalibang ako sa pagbabasa ng mga impormasyon at balita
Tanging pinagkakaabalahan nitong mga huling araw at gabi
Bibili ba ako ng ticket para duon'y mamasyal at makakuha
Hahanap ng mga bagay bagay na matatamis, baka may libre
Reretratohan ko ang mga ito at sa aking blog balak ipost
Posturang-posturan ako, nakagayak na
Nang makita ang impormasyon para sa mga Fachleute lang pala.
Fachleute ang ibig sabihin mga experts ng mga matamisin
Sino ba ako, di ba expert din sa lahat ng mga ngatngatin
Tingnan lang nila ang aking galing walang sinusukuan
Kung anong matatamis na bagay lalo na at bigay
Gayuma ang pangalan para sa akin ng tsokolate
Teka muna may paraan ba para makalusot akong bilang Fachleute
Teleponohan ko kaya ang mga Pinoy at Pinay na may Otap factory?
Pero bakit walang representasyon ang bayang kong ginigiliw
Liwanag ng aking buhay ay tanging matamisin
Sino sino kaya ang galing sa aking bansa
Sasama dito sa Exhibition at Fair ISM kung tawagin, pang-international
Almusal hanggang hapunan tungkol sa biscuits at chocolates ang usapan
Panong selling technique at bagong matamis na imbensyon ang aakit
Kikita ng pansin ng mga tao at media at higit sa lahat ng kwarta.
Tja, naisip ko lang kung sa gayak lang nakasama
Matamising binabalak bago maunsiyami at umasim
Simula ngayon hahalughugin ang cupboard ng mga natitirang balutin
Tingnan at tiyak na may tiratira pang pasalubong polboron, chocnuts, pili
Lihiyang suman, espasol, tikoy, guinatang ube sa freezer pala nakatabi
Bibile ba ako ng ticket bilang Fachleute para sa ISM Fair ng mga tsokolate
Teka muna ang yaman ko pala sa matamisin
luma ang Fair Trade sa akin.
Sunday, January 06, 2008
Manigong Bagong Taon 2008
Enero, January
2008
Walo
Ocho
Otto
Acht
Eight
Dalawang libo at walo
isang manigong bagong taon
manigong
ano daw yun?
kaya pinalitan ng salita
mas maganda kaya
maligaya
masaya
masagana
makahulugan
makatarunungan
makadiyos
makatao
makakalikasan
makakautang na naman
kaya ang aking Inang Bayan
makakabayad kaya sa
dating kauntangan
anong isasangla
para gumanda ang
tingin sa atin
ng EU, US, Japan
China
at kung sino sinong
investors at
creditors
pati na ang mga
lintang negosyante
at mga walang budhi
turistang mga lalake
hinahalay ang marami sa ating
kabataan at musmos
na batang langsangan
kapalit ang kanilang
mga dinidiyos na kasalapian
makadiyos
makatao
makatarunungan
makahulugan
masagana
maligaya
Magandang Taon
Panibagong Buhay
Panibagong Pangarap
Pag-asa
Harinawa
Sana, Sana, Sana
Subscribe to:
Posts (Atom)