Sa wakas, may araw
walang ulan
ang simoy ng hangin sa Alemanya
parang pasko ng tunay
wala nga lang parol
na nagkukutiptipan
na nagpapaalala sa aking
bayan sinilangan.
May date ako ngayong
Sabado
hapon
sana sa sinehan
pero ayaw ni Christie
gusto ay kapehan
biglang sumingit si Helen
imbitado si Martina
at sa isang five-star hotel
humantong ang aming
tipanan.
Ay sos sabi ko
gusto ko lang sana nakajeans
casual ako
maglalagaglag sa Christmas market
titikim ng mga matamisin
at medyo may pindutan (ng kamera)
at kaunting punch or tsaa may rhum
pero malamig talaga
kaya halos nakakumot na dumating
sa tipanan.
Ay ang mga matronang Aleman
marami ang naka fur coat
magkakape lang
js js talaga
(just to be seen)
nakatitig sa aming mga
matataray na mga morena
kasama ang isang puting Alemang bababe
si Martina na nga ang pangalan.
Nagsimula kami sa kapeng may gatas
nang maglaon
may order ng pampainit
B something
ang inorder ni Martina
may kasamang lighter
para sindihan ang maliliit
na baso
akala mo
pandanggo sa ilaw
dapat daw isang sipsip lang
ubos lahat
ang laman. Aha!
Hindi naglaon
ang pakiramdam ko ay may
mabigat na nakapatong
sa aking mga kilay
bagong disenyo ni Edwina
iginuhit ng tadhana
ang tawag
dapat lagi ako
ngayon may eyebrown pencil
na baon.
Pero masarap ang pakiramdam
hindi ka pa lasing
pero ang dila ko ay tila
dumudulas
sabi ni Helen
masarap daw pala akong
kasama kung ako ay medyo
nakainom
Hoy sabi ko, hindi mo ako
kilala
reyna ng tomaan to
kaya dapat malayo
ang mga alohol
at baka mamaya
sasayaw sa lamesa.
Sumunod ang mga order
ng mga matamisin
Baileys on the rocks
ay sos
lalo nang lumakas ang loob
paminsan minsan
masarap din
ang magusap kung
ang pakiramdam mo
ikaw ay lumulutang
kaya lang ang usok
sa kapaligiran
pakiramdam ko ako
ay mamumulaklak
parang puno ng manga
sa gitna ng kalamigan
sa Alemanya.
Eto na yun magandang
ending
nang dumating
ang babayarin
biglang
nahimasmasan
sinabi sa kaibigan
Hoy sa susunod
duon
na lang tayo sa
bahay magtomaan!
Hindi naman
nasayang ang ikatlong linggo ng Advent
sa simbahan
kami ay dumadaan
nagsimba
nagiisip
sana paglabas namin
may salabat
na mainit
at puto bumbong na tunay!
Sunday, December 16, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment