Bakit mahal na araw na ba at nagfafasting ka?
Tanong ng isang kablogmate ng malaman
niyang ako ay walang kinakain
at puro tsaa, tubig at katas ng gulay at prutas
sa mesa ko nakahain.
Anti-syklus ako, alam mo
at sa Febrero na palaging nakaprograma
hindi komo simula nang kwaresma
ang taonang kong pagfafasting sa
salitang Pilipino di ko maisalin.
Sa umaga ay isa o dalawang tase ng tsaa
at pilitin ubusin dalawang litro daw ng tubig
sa buong maghapon o bagong mahimbing
sa tanghalian ay sopas walang laman
at sa gabi naman'y katas ng prutas
paminsanminsan dampian ng limon ang bibig
o kaya ipiga sa basong tubig na iinumin.
Mabilis bumaba ang timbang
pagkatapos lang ng isang araw ay isang kilo ang nabawas
sa tuwa ko ay nabigkas
kung limang araw ba akong hindi kakain
ay limang kilo taba ay wala din?
Hindi gawagawang biro
magsimula ng Heilfasting
dapat pag-aralang mabuti ang suhestiyon
at sundin maigi ang mga sinasabi
ng mga experto ng librong binile.
At kung hindi, baka sakit ng tiyan
ang iyong mapala
at hindi talaga mababawasan ang
prustrasyon na ang taba ng katawan
at bigat ng timbang
ay ganon na lang ang pagtutol.
Sabi ng aking kaibigan,
ito daw ay kahibangan
gawang ang yoyo effect ay talagang
matindi sa mga taong gustong mabilis
magdiyeta, makailan araw ang dadaan
ang laki uli ng balakang!
Tama ka dyan mahal na kaibigan
pero mas magandang may balakin akong
gumanda ang figure ko
gumaan ang timbang
kesa parang balyenang nakawala sa daan.
Gusto mo pustahan tayo
pagkatapos ng Heilfasten at diyetang ´to
ikaw sa akin ay magtatanong
paano nga ba ang Heilfasting.
Friday, February 02, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment