Saturday, December 23, 2006

Our First Christmas Card for 2006


Galing ang postcard sa Espanya
Bigay ng isang asociacion
Salud y Familia
May pera sila kayang magpadala
sa Post Office ng bulto bultong karheta
Nakakatuwa naman hindi sila nakakalimot
O sa mailing machine nila ang pangalan ng
Grupo namin ay automatic na nakarehistro
Sana nama'y huwag silang magbago at
sa susunod na taon
E-card na rin ang kanilang pagbati ng
Maligayang Pasko.


This one comes from Spain
From this Association Salud Y Familia
They must have money
They could send bulk of greeting cards through the post
It pleases us that they have not forgotten
O is it because our name is in their automatic mailing system
Hopefully they would not change
That next year they would be sending
Merry Christmas in an E-mail.

Wednesday, December 06, 2006

Santa Claus Daw Ay Dadating


December 06, 2006

Nabasa ko ang tula ito
Ang sako daw ay hindi nauubusan ng pag-ibig o ng ligaya
Kasi ang loob ay puno ng mga dasal, at ng pag-asa, hindi lang nga mga laruan,
Mas marami akong magbigay, tila it ay mas lalong napupuno
Kasi ang pagbibigay ko ay isang paraan
mga pangarap ay makamtan.

Tuesday, December 05, 2006

bituingmarikit

bituingmarikit

December 06, 2006
Santa Klaus

Sa lahat daw ng mga nakaraan Disyembre
Eto na ang pinakamainit
Parang early Spring
Samantalang dapat may yelo na
para sa mga bata gustong magpadulas
habang hinihintay daw nila si Santa Klaus.
Masarap bukas pumunta sa mga shopping mall
at baka maraming libreng kendi at tsokolate.

Saturday, November 25, 2006

November 25, International Day for Elimination of Violence Against Women


Wow, matagal na rin naman hindi nakapagsulat
sa aking Blogpages
paano hindi na naasikaso
sa dahilan may trabaho
nalimutan ang hobby
kasi importante daw ay ang money
at kung wala nito wala rin honey
wala din pambayad sa kuryente
kahit non-stop pa ang libre usage
pero pagdating ng bagong buwan
dapat may pambigay sa nagpapatakbo ng computer
o server kung tawagin natin sa cyberspace
at hindi puedeng puro credit
at kung hindi ay kalimutan na lang ang internet.
Sa tutuo lang
kung gusto kong tignan
paano uli magpadala ng
mga kummentaryo sa aking blog
sa matagal na hindi pagamit
baka hindi na tanggapin
ang aking mga suliranin
mga muni-muni
alinlangan
mga pangarap
adhikain sa buhay
o recipeng pang-ulam
O Mahal kong Blog
Tunay na moderno Irog!

Wednesday, June 21, 2006

Pagmumunimuni

May nagpadala sa akin
ng isang quiz
interesting test tungkol
sa aking personality daw
galing kay Dalai Lama
o tawag Tibetan quiz
nakakatuwa kasi parang malapit talaga
ang mga interpretation
pero maniniwala ako tunay
kung ang wish ko ay magkakatutuo
sa sinulat kong araw at numero.

Importante daw sa akin ang pamilya
Tapos ay career
Sinusundan ng pag-ibig
Hinahabol ng pera
Pero hindi ako mayabang.

Ako daw ay loyal...matapat
Ang partner ko daw ay mapagmahal o tender kaya?
Mabilis ang aking mga kaaway
Ang sex para sa akin ay malakas
Ang buhay ay mapayapa.

May taong talagang kong mahal,
may babaeng tunay na kaibigan
may babaeng hindi ko malilimutan
may isang soul mate
at may isang lalakeng lagi kong maaalala.


Di ba nakakaaliw?

Bituing Marikit

Sunday, June 18, 2006

Tunay na Bituing Marikit...yun kanta lang naman

nakita ko sa isang homepage
Filipino Heritage
ang lyrics ng Bituing Marikit
kaya dito ko sa aking
blogger siya ididikt.

Bituing Marikit

Bituing Marikit sa gitna ng buhay
ang bawat kislap mo'y ligaya ang taglay.
Yaring aking palad iyong patnubayan
At kahit na signag ako'y bahaginan.

Natanuim sa isip ko'y yaong isang pag-ibig
Na pinakasasamba sa loob ng dibdib
Sa iyong luninning, laging nasasabik
Ikaw ang pangarap, bituing marikit.

Lapitan mo ako, halina bituin
Ating pag-isahin ang mga damdamin
Ang sabik kong palad ay huwag mo uhawin
sa batis ng iyong wagas na pag-giliw.

Song:1926 by Nicanor Abelardo
Lyrics: Servando de los Angeles

Thursday, June 15, 2006

Nabasa mo ba? Nagkaepekto ba?



Isang Parangal para sa mga modernong Eva at Adan

Pamagat ng estatwa ay devotion
Bigay ng isang Pinay
na taga Athens
Nang bumisita kami duon
Nuong mga nakaraang taon
Salamat nang marami
Magkita sana uli tayo
sa palengke!

Bituin Marikit

May Toyo ang Blog Server

Pindot dito
Pindot duon
Hindi makita ang destinasyon
Saan kaya ang final design
Saan ko siya iladlad
Nang makita ng aking liyag
Ang pinaghihirapan ko buong magdamag
Kahit na walang charges
Sa kunsumo ng kuryente
ng computer na minana pa sa isang Auntie
na nagOFW na siya
na may pangakong papalitan niya
ang notebook na naiwan
sa probinsiyang walang linya ng telepono
pero lahat ng tao ay de mobile
kahit na yong nagpapalimos sa kalye
ewan ko lang ko nabile
yun mobile niya
o nilimos ng isang napadaang
cell fon owner na wala na ring
bambile.

Abangan ang susunod na kabanata.

Bituing Marikit

Wednesday, June 14, 2006

Millflores o Hortensien

Bituingmarikit

Bituing marikit, sa gabi ng buhay
ang bawat tingkad mo
ligaya ang taglay...

Naalala ko lang ang
kagabi ang kantang ito
at hanggang ngayon iniisip ko pa ang karugto
siguro sa susunod na pagmumuni ko
maalala ko din
pero kung may nakakaalam sa inyong mga bloggers
paki text lang

gusto kong ikolekta yun mga classical songs
nuon panahon pa nila lolo at lola
na kinakanta pa ng aking ina at ama
sa tuwing sila ay nagdadrama
sa bahay
lalo na kung lasing na si tatay
mas malakas ang loob niyang
mag-opereta.