Walang pasok
Oktubre 3
Holiday
ng mga Aleman
Hindi lang sila
kundi yun mga taong dito nakatira
Ipinagdiriwang nila
ang pagkakaisa ng
kanilang bansang
East at West
Germany nuong tawagin
ngayon ay isang bansa
isang republikang federal
Pero ang buwan ng Oktobre
sa maraming dumadayo
sa bayan na ito
ay buwan ng Oktoberfest
nagsimula nuong
22 Septyembre
hanggang ika-7 ng Oktobre
sa Munich
sa pagsabi ng O'Zapft is!
o ibig sabihin
sa English
"the barrel has been tapped"
dalawang linggo
dadaloy ang beer
hindi libre
mind you
baka akala mo
pero di mo na kailangang
maligaw sa munich
kung ang hanap ay
beer at kasayahan
dahil sa globalization
piyestahan din
gumagala
umiikot
kaya dito sa aming
siyudad
sa may Neumarkt
umaapaw ang beer
ay Kolsch pala
ang tawag diyan
sa inuming nakakalasing
Oktoberfest sa Colonya
di maglalaon
may Christmas market na uli
panahon na naman ng
mga inuming pampainit
may kasamang mga matamisin
especialidad ng mga taga Silangan
para sa konsumo at pera ng
mas maunlad na mga taga Kanluran
Araw ng Pagkakaisa
sa inuman
sa lasingan
madali silang
magsasama
Ah sa ibang araw na lang
ang Solidarity Tax
pag-usapan.
Wednesday, October 03, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)