Friday, July 20, 2007
Friday, July 13, 2007
Tiramisu Meeting
Kung hindi pa nagBiyernes
at umulan ng matindi
sa petsang 13
hindi ako magkukulong sa bahay
medyo may inis
kasi nga ang panahon
may tipong aaraw
mamaya uulan
hahangin
di malaman ko tuloy
ang gagawin
at ano ang susuutin
magsummer dress ba
o winter coat kaya
magpayong
o magsuot ng sun glasses
shades sa moderno salita
nuong nakalipas na dekada
smoked glasses kung tagurian
suot suot lalo na kung may
itinatagong sore eyes
na minsan sinulat ng aking
kaibigan sa kaniyang
excuse slip
siya daw ay may soar eyes
excuse me Sir
excuse me Mam!
Nakakatuwa kaming mga Pinay
na nakatira sa Europa
kaunting init ng araw
hanap ang mga shades
hindi makagalaw
kung walang proteksyon
ang mga matang
banyaga sa bansa ng
mga Aleman
at importante hindi lang
ang korte kundi yun
brand ng shades
keso hods yan
na imitation
basta parang tunay!
Hindi tungkol sa shades
ang gusto kong ipost
na patula
kundi sa aking pagtigil
sa aking pugad
ngayong Biyernes
petsa Trese
petsa ng mga diyosa
na kung sa anong dahilan
ay binigyan ng ibang
kahulugan
siguro tama nga
naging domestic goddess
ako ngayong araw na to
pero ni maghugas ng plato
malayo sa plano
katatapos ko lang husgahan
ang isang pirasong tiramisu
bigay ng isang kaibigan
ang akala sa aking imbitasyon
tinaguriang kong Tiramisu Meeting
ay gusto ko talagang makatikim
ng matamis na tsokolateng itim
Halong Italiano
o timpladong Italiana
kung babae ang may dala.
Tiramisu Meeting
dala dala ng bisita
mga tira-tirang pagkain
sa kani-kanilang bahay
aming kakainin
sa aming meeting
habang nag-uusap kami
paano nga bang matutuloy
ang kumperensiyang ng mga
kababaihan Pinay sa Alemanya
tungkol sa Gender, Migration
at Development
tawagin ba namin din 'tong
Tiramisu Conference
para sa naghihirap na bayan
mga Pinay at Pinoy
magsuot ng mga shades o
sun glasses
nang hindi tayo masilaw
sa pagtingin sa wari'y kaunlaran
yun naman pala'y puro kauntangan
walang katapusan.
Mga natitirang ideya
para sa pagpapabago
para sa magandang kinabukasan
kahit kaanong kaliit
na binabalak
para sa bayang liyag
sumama sa aming
Tiramisu Meeting
at patamisin
ang mga pangarap namin.
(Para kay Anna na sumusulat sa akin
pasensiya na kung hindi ako nakakapag-update
naging BC talaga
si Bituing Marikit
pero kung ako uli ay kikilitiin
ng hobby kong posting
matatangap at matatangap mo din
ang aking mga roughdrafts
at sulatin!)
Bituing Marikit
at umulan ng matindi
sa petsang 13
hindi ako magkukulong sa bahay
medyo may inis
kasi nga ang panahon
may tipong aaraw
mamaya uulan
hahangin
di malaman ko tuloy
ang gagawin
at ano ang susuutin
magsummer dress ba
o winter coat kaya
magpayong
o magsuot ng sun glasses
shades sa moderno salita
nuong nakalipas na dekada
smoked glasses kung tagurian
suot suot lalo na kung may
itinatagong sore eyes
na minsan sinulat ng aking
kaibigan sa kaniyang
excuse slip
siya daw ay may soar eyes
excuse me Sir
excuse me Mam!
Nakakatuwa kaming mga Pinay
na nakatira sa Europa
kaunting init ng araw
hanap ang mga shades
hindi makagalaw
kung walang proteksyon
ang mga matang
banyaga sa bansa ng
mga Aleman
at importante hindi lang
ang korte kundi yun
brand ng shades
keso hods yan
na imitation
basta parang tunay!
Hindi tungkol sa shades
ang gusto kong ipost
na patula
kundi sa aking pagtigil
sa aking pugad
ngayong Biyernes
petsa Trese
petsa ng mga diyosa
na kung sa anong dahilan
ay binigyan ng ibang
kahulugan
siguro tama nga
naging domestic goddess
ako ngayong araw na to
pero ni maghugas ng plato
malayo sa plano
katatapos ko lang husgahan
ang isang pirasong tiramisu
bigay ng isang kaibigan
ang akala sa aking imbitasyon
tinaguriang kong Tiramisu Meeting
ay gusto ko talagang makatikim
ng matamis na tsokolateng itim
Halong Italiano
o timpladong Italiana
kung babae ang may dala.
Tiramisu Meeting
dala dala ng bisita
mga tira-tirang pagkain
sa kani-kanilang bahay
aming kakainin
sa aming meeting
habang nag-uusap kami
paano nga bang matutuloy
ang kumperensiyang ng mga
kababaihan Pinay sa Alemanya
tungkol sa Gender, Migration
at Development
tawagin ba namin din 'tong
Tiramisu Conference
para sa naghihirap na bayan
mga Pinay at Pinoy
magsuot ng mga shades o
sun glasses
nang hindi tayo masilaw
sa pagtingin sa wari'y kaunlaran
yun naman pala'y puro kauntangan
walang katapusan.
Mga natitirang ideya
para sa pagpapabago
para sa magandang kinabukasan
kahit kaanong kaliit
na binabalak
para sa bayang liyag
sumama sa aming
Tiramisu Meeting
at patamisin
ang mga pangarap namin.
(Para kay Anna na sumusulat sa akin
pasensiya na kung hindi ako nakakapag-update
naging BC talaga
si Bituing Marikit
pero kung ako uli ay kikilitiin
ng hobby kong posting
matatangap at matatangap mo din
ang aking mga roughdrafts
at sulatin!)
Bituing Marikit
Subscribe to:
Posts (Atom)